“The most important step of all is the first step. Start something”
- Blake Mycoskie
4.3 billion years ago, nagsimulang mabuo ang mundong ginagalawan natin. Paano? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang, hindi ito basta basta sumulpot na lang.
Walang forever.
Lahat may katapusan, at bawat katapusan ay may kasunod ka bagong simula. Pagkatapos mong kumain, sisimulan ng katawan mong i-digest lahat ng kinain mo. Pagkatapos mo sa highschool, sisimulan mo ang college. Pagkatapos mong gawin ang lahat lahat, kulang pa rin. Pero pagkatapos mong basahin ito, sisimulan mo nang subaybayan ang blog na ito. Hehe.
Umpisa.
Walang nakakarating sa finish line na hindi dumadaan sa starting line. Lahat nagsisimula sa maliit. Kagaya ng blog na binabasa mo ngayon, ilang taon ko na rin naisip na gawin ito, pero ngayon ko lang nasimulan. Masyado kasi akong humanga sa mga ibang mahuhusay na manunulat dito sa larangan at iyun ang pumipigil sa akin para magsimula.
Siguro kung ang lahat ng tao ay may lakas ng loob upang simulan ang mga bagay na matagal na dapat sinimulan eh, mas maunlad na tayo ngayon. Tulad ko, minsan mas pinipili ng isang tao na itago na lang yung tunay na nararamdaman nya. Sabi kasi nila, mas ok na manahimik na lang kaysa mapahiya. Maraming bagay ang nadiskubre sa isang aksidente, kagaya ng coca-cola. Malay mo isang araw, yung ideya mo naman ang ma-aksidente. [call 911 for immediate assistance]
Balik tayo, ang blog na ito ay walang saysay para sa mga taong ang hilig lamang ay pumorma, uminom, at mang-ninja moves. Ang layunin ng page na ito ay makapaghatid ng impormasyon, kaalaman at kaganapan. Boring ito kung ang hanap mo ay kung paano maging cool pero cool ito kung ang hanap mo ay kung paano maging boring.
Ayun, dito ko na tatapusin ang aking maigsing panimula. At kagaya ng sa paborito mong pelikula, sisimulan ko na ang susunod na episode.
Salamat.
tapos na rin ang oras ko dito sa opisina, overtime na ako. Bukas ko na lang sisimulan ulit.
Astig
ReplyDeleteAstig
ReplyDeleteThanks! hehe
DeleteThis is amazing just like you :)
ReplyDeleteayos ire.
ReplyDeleteMasarap isipin na sa simula palang ay alam mo ng kaya mong tapusin pero masakit namang isipin na lagi ka nalang nag uumpisa at di mo na alam kung paano tatapusin.
ReplyDeletei like the way you narrate and share the thoughts in simple words that can struck people and make them think. such a great content. continue to be better. God Bless!
ReplyDelete