Wednesday, October 26, 2016

SYET, TRAFFIC.



Dear Boss,Please accept my sincere apology for being late this morning. I know how important the meeting was for the company and it was unprofessional of me but sir, traffic naman kasi talaga eh.

[4:45am, kakasakay ko pa lang ng bus]

Sabi nila, magpasalamat ka sa bawat umagang gigising ka dahil ito ay biyaya ng Diyos. Pero pusta ako, kung araw araw kang bumyahe papasok sa skwela o trabaho eh, sinusumpa mo ang bawat umaga. Syet, umaga nanaman.

Rush hour.

Nagmamadali ang oras. Sasakay ka ng bus ng madilim pa, di mo namamalayan tatlong oras ka na palang nagpapainit ng upuan. Kalaban mo pa ang malamig na buga ng aircon at ihing-ihi ka na, hindi ka pwedeng pumara dahil tiyak, pag bumaba ka eh, kinabukasan ka pa makakasakay ulit.

[Time check: 6:30 am, mahigit isang oras na ako dito sa Cubao, traffic. Anong dahilan? Hindi ko alam.]

Minsan ang traffic, parang pag-ibig. Walang dahilan, bigla mo na lang mararamdaman. Naiisip ko tuloy, parang nasasanay na rin ang tao sa araw araw na parusang sinasapit sa pag-byahe. Masyadong positibo ang mga Pilipino. Sobrang positibo na sa unang isangdaang araw ng bagong administrasyon ay naghahanap na agad ng malaking pagbabago.



The things that lasts, never happened overnight.

Isang malaking pagsubok ang pagresolba sa sakit ng EDSA, pero pansamantala, bakit kaya hindi nalang nila gawing big screen ang mga billboard sa EDSA? Ipalabas nila yung mga latest na palabas ngayon tapos dapat digital surround and audio. Maiinip ka pa ba kung ganun? 
“The biggest problem of the Philippines is the Filipino.” -Anonymous
Seryoso, kung ang mga tao ay magiging mas disiplinado lang sana, siguro hindi masyadong mahirap iresolba ang mga problema. Guilty ako dito kasi tumatawid ako sa Walang Tawiran Nakamamatay. Tamad kasi tayong maglakad. tamad tayong umakyat sa footbridge. Tamad bumaba sa tamang babaan, tamad tayong sumunod sa batas. Tama, tamad tayo.

Bakit sa tuwing may sakuna lalo na sa LRT o MRT eh, madali lang para sa atin na mag-video. Irerecord yung pangyayari, ipopost sa internet tapos magte-trending. Maraming magcocomment ng nararamdaman nila, at maraming magshe-share. Congratulations, sikat ka na! pero bago mo ginawa yun, nasubukan mo bang magreport sa pamunuan o sa kinauukulan? Siguro mas makakatulong tayo kung magiging mas responsible tayo sa mga ginagalawan natin dahil hindi natin alam, tayo pala mismo ang sumisira sa sarili natin. Tayo ang dahilan ng mga bagay na nirereklamo natin.


[7:20am, nasa office na at humihigop na ng kape]

Tandaan, ang lahat ng bagay ay may paraan. Hindi mo pwedeng gamiting excuse ang traffic kung bakit hindi mo nabasa itong post ko.

No comments:

Post a Comment