Monday, June 12, 2017

SATISFACTION


Huwag kang istorbo para dire-direcho lang ang flow ng pagta-type ko.

hindi ko naman talaga alam kung saan mapapadpad ang blog na ito, 
isang bagay lang ang tumatak sa isip ko ngayon. Change. 

Lahat ng bagay, nagbabago. nag-aadjust.  May mga naiiwan, may nakakasabay, meron din namang nauuna. Ikaw kung papipiliin ka, sasabay ka ba sa iba o hihinto ka na lang para magpahinga?

Bawat tao may kanya-kanyang pananaw. hindi lahat may kakayahang sumabay. yung iba, napapagod, yung iba natatakot. Hindi kasi lahat ng pagbabago ay para sa ikabubuti. minsan may mga bagay na hindi nalang dapat nagbago. Bakit nga ba  nagbabago ang lahat ng bagay? simple lang. Satisfaction. 

Kahapon, isang kaibigan ang lumapit sakin at umiiyak. hiwalay na sila ng boyfriend nya. Sabi nya, "...but I want him back, kahit awa na lang, it's ok for me. I just want him back." Una, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pero nung na Google Translate ko na yung mga sinabi nya, naintindihan ko na.


Awa.

Walang babaeng dapat nagmamakaawa. Walang sinuman ang kailangan magmakaawa para sa isang tao, bagay, kaganapan, at kung ano pa man. Siguro minsan, sa kagustuhan nating makuha ang isang bagay, nakakalimutan na nating mahalin ang sarili natin. Ito yung tinatawag na selfless love, pero ito rin yung tinatawag na selfish love. 

Ang tao ay hindi marunong makuntento.  nagsimula sa 8-bits, naging 16-bits, naging 32, 64, 128.... bahala ka nalang mag x2 kung gusto mo. nagsimula sa black and white, ngayon 3D. nagsimula sa beeper, ngayon galaxy. teka, galaxy? gaano ba kalawak ang galaxy para ipangalan sa isang phone? copyright infringement yon ah? Wala silang pahintulot sa pag-gamit ng pangalan ni Galaxy. 

Balik tayo. Hindi mo kailangan magmakaawa para sa isang tao. Karapatan nyang magbago, at may karapatan ka ring magbago. Hindi maiiwasan na sa isang daang nilalakaran mo ay magkakaroon ng dulo. Minsan naman, nahahati sa dalawa. ikaw ang pipili kung kakaliwa ka o hindi. Hindi ka pwedeng huminto. Walang time-out. Dahil ang buhay ay tuloy tuloy lang, ikaw ang pipili kung anong daan ang susundan mo. Minsan maganda rin na ikaw mismo ang gumawa ng sarili mong daan.

 There's no permanent thing in this world, except change

Naisip mo na ba ang mundo na walang pagbabago. muka mo nung pinanganak ka, muka mo parin hanggang tumanda ka. panget diba? walang nagbago. Mahirap. Hindi ko rin lubos maisip. pero teka, para san ba talaga at ano ang naitutulong nito? Kung lahat ng bagay ay pwedeng magbago, bakit kailangan pang manatili tayo sa ganitong estado? 

Sabagay. walang ikaw kung walang pagbabago. Walang ako kung walang pagbabago. At walang mundo kung walang pagbabago. Saan ba galing ang mundo? Sa pagbabago. Lahat tayo ay likha ng mapanlinlang na pagbabago. Ngayon, kung magbabago ka, sikapin mong dalhin ito sa ikabubuti mo at ng nasa paligid mo. Dahil ang pagbabago,  hindi biglaan at hindi rin pang matagalan. kung ang pagbabago ay isang bangka, sakyan mo lang, pero iwasan mong maipit at bumangga dahil maaaring ito ang maging dahilan ng isang malaking pagbabago sa buhay mo.

 You must be the change you wish to see in the world.